Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

mga pichurs

Posted by pAuLuS_ on Apr 19, '09 11:16 AM for everyone
Muling sinariwa ng mga taga-Pandacan sa pamamagitan ng isang maringal na prusisyon ang alaala ng isang matinding sunog na muntik nang sumira sa Bayan noong ika-19 siglo... Dahil sa milagro ng Mahal na Poong Sto. Niño, nailigtas ang bayan ng Pandacan mula sa pagkasira.

"Ang mga sakuna sa bayan sunog at madla pang bagay
gayon din sa sawing pakay ng mga pusong sukaban
kapag ikaw ay humadlang
natitimawa ang tanan"
-- verso mula sa sinaunang GOZO ng Sto. Niño ng Pandacan

paglalagay sa carosa
  
P4190006.JPG
 1 Comment 
tito ben at ang nino
  
Sto. Nino de Pandacan
 9 Comments 
pag-aayos
  
ready na
 1 Comment 
nino
  
P4190019.JPG
  
prusisyon
  
P4190022.JPG
  
P4190024.JPG
  
P4190025.JPG
  
ang tula ng sunog
  
tula ng sunog ni balagtas
 5 Comments 
P4190031.JPG
  
P4190036.JPG
  
P4190038.JPG
  
papasok ng simbahan
  
P4190041.JPG
  
P4190043.JPG
  
P4190046.JPG
  
P4190047.JPG
  
simbahan ng pandacan
 2 Comments 


21 CommentsChronological   Reverse   Threaded
ellismanuel wrote on Apr 19, '09
original image ba 'to kuya?
ellismanuel wrote on Apr 19, '09
ang cute nya!!!
paulus21op wrote on Apr 19, '09
original image ba 'to kuya?
yes... definitely... absolutely! hehe

traditional garb niya yan pag pista ng sunog... naka-sumbrero... kasi iikutin niya ang buong bayan ng pandacan... parang tourist. hehehe
ellismanuel wrote on Apr 19, '09
cute nya! oo nga...tourist...hehehe!!!
barth93 wrote on Apr 19, '09
kuya pao, diyan mo nakuha yung idea kay dako?

yung karo po niya parang nakita kong inaayos nina rj. tama po ba?
japscarousel wrote on Apr 20, '09
wait ma naalala ako...

"sto. nino sa pandacan
puto seco sa tindahan"
antigualla wrote on Apr 20, '09
Pau, tnx for sharing. Ano ba talaga ang kwento ng sunog diyan? Kailan ito nangyari? Nagtirik ako ng tatlo (one after another) na vigil light sa Kanya kahapon hanggang hatinggabi, kasabay ng panalanging huwag Niya tayong pabayaang masunog sa impyerno! Hehehe. Regards.
paulus21op wrote on Apr 20, '09, edited on Apr 23, '09
Pau, tnx for sharing. Ano ba talaga ang kwento ng sunog diyan? Kailan ito nangyari? Nagtirik ako ng tatlo (one after another) na vigil light sa Kanya kahapon hanggang hatinggabi, kasabay ng panalanging huwag Niya tayong pabayaang masunog sa impyerno! Hehehe. Regards.
Actually po tito, Hindi na po malaman yung exact date, pero ang consistent reports po eh nung 1800's daw po, biglang nagkaroon ng malaking sunog sa bayan ng pandacan. Unti-unting sinisira po ng mga apoy ang mga bahay until umabot po malapit sa simbahan ang apoy. Ang ginawa po ng parish priest po ng pandacan ay umakyat sa belfry ng simbahan, iniharap po yung sto. nino sa direction ng apoy at isinigaw po niya ang "Sa ngalan mong sadyand tamis, Hesus kami ay nananalig". ayun... bigla pong nagkaroon ng malakas na hangin na nagpa-alis po ng apoy. Kaya simula po nun, every 2nd sunday of Easter po, cinecelebrate po ng mga taga pandacan ang milagrong yun po... there is even an old poem entitled as "Tula ng Sunog" na hanggang ngayon po eh tinutula pa rin sa harap ng image during procession.",)
antigualla wrote on Apr 20, '09
Thanks Pau. That's enough info about this tradition. Mabuhay ang Batang Kayumanggi ng Pandanan!
paulus21op wrote on Apr 20, '09
Thanks Pau. That's enough info about this tradition. Mabuhay ang Batang Kayumanggi ng Pandanan!
walay sapayan po tito! hehehe thanks po sa interest niyo po sa kapatid ng nino de cebu!",)
robzky wrote on Apr 20, '09
Actually po tito, Hindi na po malaman yung exact date, pero ang consistent reports po eh nung 1700's daw po, biglang nagkaroon ng malaking sunog sa bayan ng pandacan. Unti-unting sinisira po ng mga apoy ang mga bahay until umabot po malapit sa simbahan ang apoy. Ang ginawa po ng parish priest po ng pandacan ay umakyat sa belfry ng simbahan, iniharap po yung sto. nino sa direction ng apoy at isinigaw po niya ang "Sa ngalan mong sadyand tamis, Hesus kami ay nananalig". ayun... bigla pong nagkaroon ng malakas na hangin na nagpa-alis po ng apoy. Kaya simula po nun, every 2nd sunday of Easter po, cinecelebrate po ng mga taga pandacan ang milagrong yun po... there is even an old poem entitled as "Tula ng Sunog" na hanggang ngayon po eh tinutula pa rin sa harap ng image during procession.",)
galing.....ganda ng story....
pandacan1712 wrote on Apr 21, '09
Paulo hindi po kay Balagtas ang tula...
pandacan1712 wrote on Apr 21, '09
could you send me a copy of this Paulo.. Salamat po.. sligoman01@yahoo.com
paulus21op wrote on Apr 22, '09
Paulo hindi po kay Balagtas ang tula...
ooopss... hehe nakalusot po... I was corrected earlier by kevin... sorry... hehe corrected na po..",)
paulus21op wrote on Apr 22, '09
could you send me a copy of this Paulo.. Salamat po.. sligoman01@yahoo.com
bob, copy of the pic or the video po?
pandacan1712 wrote on Apr 22, '09
pag di ka nagpautang
uubusin ka ng langgam
pandacan1712 wrote on Apr 22, '09
Ang kasaysayan pong iyan ay hindi po noong 1700... mangyari na ang prusisyong ito ay nagsimula noong 1800 at ayon sa ilang dokumento sa National Archives, ito lamang ay isang debosyon o kahilingan ng ilang mga pamilya partikular sa may Beata.

Ngunit taong 1910 ng mapagtibay itong maging tradisyon ng muntik na matupok ng buong bayan ng Pandacan ng isang malaking sunog.
Ilang karagdagan pa po, na sa kadahilanan na ang mga bahay noong mga panahong iyon ay yari sa pawid, kaya't mabilis na natupok ang mga kabahayan. Nang ang sunog ay papalapit na sa dako ng simbahan, syang tunay na ginawa ng kura na iniharap ang milagrosong imahen ng Sto Nino ng Pandacan at kapagdaka'y umiba ang ihip ng hangin na siyang nagdulot ng kaligtasan sa buong bayan.

Ang pangyayaring ito ay muling naulit (ayon sa pagkakasaksi ng kasalukuyang kura) nang ang isang bahay sa dako ng Teodora San Luis sa likuran ng kasalukuyang PNB, ang nasunog. Dahilan sa kakilakilabot na pangyayri, ang mga taong taga roon sa dakong iyon ay natipon sa simbahan upang hilingin na ang Imahen ay iharap sa sunog. Ngunit sa di inaasahan, wala ang kura noong mga oras na iyon.
Habang palaki ng palaki ang rings ng apoy, kitang kita ng Kasalukuyang kura na si Reb. Pd. Lari Abaco na noong mga oras na iyon ay nasa tulay na ng nagtahan at naipit dahilan nga sa traffic. Dali dali siyang bumaba ng kanyang sasakyan at tinakbo ang kanyang parokya. Sa kanyang pagdating, ang mga tao ay buong sumamo na hiniling na ang Mahal na Poong Sto Nino ay iharap sa sunog. At gayon ng ang ginawa. Umakyat siya sa kumbento, tinawag ang kanyang mga kasambahay na sina Mang Greg at Boy, upang patunugin ang kampana...
Tangan tangan ni Mang Greg ang banal na imahen kasama ang kura sa kanyang tabi, habang umaalingawngaw ang batingaw sa kampanaryo.
Hindi maipaliwanag na kilabot ang nadarama ng lahat habang nakikita ang napakalaking sunog.
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari (tulad noong una) ang hangin ay umihip patungo sa dako ng ilog na kung saan ay wala ng kabahayan. At sa ganoon ngang pangyayari ay madali na itong naapula ng mga bumbero.
Isang ulat naman na nasa dako ng sunog ay natanawan niya ang napakagarang imahen na nasa tore at nakatanod sa mga nangyayari.
Tuluyan ng napatay ang sunog.
Kinahapunan nagpunta ang kura paroko sa dako ng nasunugan at napag-alaman niya na ang bahay ay pagmamay-ari ng pamilya na ang mga miyembro ay Aglipayano at Romano. Sa kaniyang pakikipag kwentuhan ay tinawag ang kanyang atensyon ng isa sa mga matandang miyembro ng pamilya. Itinuro ang piano na halos maabo sa sunog. ngunit sa ibabaw na ito ay may 2 imahen. isa ay tupok ngunit ang isa ay ni hindi man lamang nagalusan.
Ang imaheng ito ay replika ng Mahal na Poong Sto Nino ng Pandacan na Pinipintuho sa Simbahang Romana Katolika.

Naway mas lumalim ang inyong pag-ibig sa Banal na Sanggol ng Pandacan. Siya na aming gabay at naging kaligtasan sa Sunog at iba pang sakuna.

Siya ay si Hesus. Ang tagapagligtas!
pandacan1712 wrote on Apr 22, '09
kung pede sana both, pero photos will do.. Salamat
paulus21op wrote on Apr 22, '09, edited on Apr 22, '09
salamat bob sa napakagandang info... kinikilabutan ako habang binabasa ko.... talagang milagroso ang sto. Nino ng Pandacan!",)
pandacan1712 wrote on Apr 22, '09
Sila ang makabagong GOMBURZA ng Pandacan... Ang Balita ko'y handa din silang mabitay... Iniintay nalang ata kung kailan.... Hahahaha
pandacan1712 wrote on Apr 22, '09
Yung huling event ay first hand info from Fr. Lari. 2007 lang yan nangyari siguro mga september or october yun. Nasa office pa nga ako when i recieve the call... During at after the tragedy.

Talagang Milagroso! Si Kristo yan eh. :)
Add a Comment